Sunday, September 28, 2008

8 things you need to start a blog

At dahil cinecelebrate ko pa rin ang creation/birthday/zeroth anniversary ng bagong product ng boredom ko, heto ang pangalawang listahan: 8 things you need to start a blog o mga bagay-bagay na kailangan para maging isang legal literary squatter sa internet (oo, natutuwa ako sa salitang squat at inuulit-ulit ko siya)

pangwalo: computer o laptop na mapaggagamitan, syempre dapat may internet connection na din at may web browser pa. kamusta naman kung offline, eh di sana nagdear diary ka na lang.. ang blog ay mula sa salitang weblog, ang web ay isang short cut mula sa world wide web..ibig sabihin -- pwedeng basahin ng buong mundo o world wide (hai.. grabeh. harsh tayo ngayon a!)

pampito: isang server(?) kung server man ang tawag sa kanila, baka bloghosts? para sa entry na ito, bloghosts ang itatawag ko sa kanila. ang mga bloghosts na iyon ay ang magbibigay sa iyo ng blog sa internet: iilan sa mga naexperience ko na (naks, experience!) ay: tabulas (college blog ay nakatira dun) , tblog (ang now-dead high school blog ko naman ay dati nandun, may it rest in peace), ang friendster ay may blog din, ang sikat na wordpress, at siyempre.. ang aking latest experiment: BLOGSPOT.. (o ha, advertising!)

pang-anim: isang matindi-tinding email na ginagamit mo sa maraming bagay. mas maganda kung gmail na yun para kung magbloblogspot ka man, automatic na. ang galing nga e, magiisip ka na lang ng blog title at next next next next done na! pero kung walang gmail, maari rin namang magsignup gamit ang ibang email addresses.. straightforward at madaling intindihin naman ang most ng mga sign up wizards. (naks, advertising talaga grabeh)

panglima: namention ko na sa #6, isang blog title. hindi man iniisip ng ibang tao ang kahalagahan ng blog title, isipin mo na lang na importante yun. parang headlines ng balita yan, mas catchy, mas matunog, mas masaya.. mas mabenta! di din naman maganda ang blog title ko, kaya kailangan ko din umattend sa "blog title 101" workshop. (hehe, sana may ganun)

pang-apat: URL na madaling maalala, kasi kamusta naman kung ang URL mo ay pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoniosis.blogspot.com, maawa ka naman sa browser ng readers mo. at maawa ka naman sa memorya ng mga taong kakilala mo. mahirap magmemorya ng mga letra, numero at kung anu-ano pa. kung pwede ngang mystical browsers na lang e yung tipong iisipin mo na lang: gusto kong makita yung blog na sobrang ganda na puro listahan lang.. e di makakarating ka na dito. (oo, medyo mayabang, pagpasensyahan sana ang lasing sa puyat at lulong sa hamog ng gabi)

pangatlo: tiyaga, dahil kung walang tiyaga.. walang entries ang blog mo. inaamin ko, nakakatamad nga naman. madalas kasi, mas mabilis ang utak kesa sa daliri.. paano na lang kung sinusulat pa natin ito gamit ang kamay.. eh di mas matagal pa. pero isang malaking accomplishment ang makapagtapos ng isang blog entry lalo na kung nailahad mo ng mabuti ang nais mong maiparating.

pangalawa: inspirasyon. naks naman. kung emo ka, eh di marami kang masusulat tungkol sa angst sa mundo, tungkol sa romance at love at kung anu-ano pa. kung psycho ka, eh di magsulat ka tungkol sa mga plano mong pagsakop sa buong kalawakan. kung in love ka, eh di ipakita mo ang pagmamahal mo. at kung bored ka, eh di magbukas ka na ng blogspot account at magkalat na. maraming bored na daliring walang magawa ang mata at magbabasa... sana.

at siyempre, ang pangunahing kailangan mo para makapagstart ka ng blog ay: LANGUAGE, naks. dahil paano kita maiintindihan kung magkaiba tayo ng wikang ginagamit. kung tao ako, at unggoy ka.. paano na. (hehehe, pero di ko naman sinasabing unggoy ka.. medyo lang. haha) pero ayun nga, kailangan natin ng wika.. at marami pang kalakip ang wika: semantics, syntax at kung anu-ano pa. pero para sa akin, gramattically inckorekt mann ang nakkasoolat, baesta't nagcakaintindyihan, oks na oks na!

No comments: