Tuesday, September 30, 2008

O, kapalaran kapalaran, kami'y inyong pagbigyan...

Naalala mo ba yung mga movies kung saan ang mastermind na kontrabida ay isang high tech na computer? Maraming SciFi movies na akong napanood na ganun, at nakakatawa man.. ngayon ko lang naisip na pwede ngang nakasalalay sa isang computer ang buhay mo, ang buong buhay mo.

Simula noong pumasok ako sa unibersidad namin, malaking bahagi ng buhay kolehiyo ko ang nakasalalay sa kapalaran a.k.a. CRS. Hindi man kasing menacing tulad ng isang mother computer at hindi man nagsasalita -- sigurado naman akong kapag nagsalita yun magrereklamo lang siya sa dami ng stress na binibigay ng estudyante -- sa sarili nitong paraan, napapaikot nito ang buhay naming mga estudyante sa iilang araw na kung tawagin ay "enlistment days". At para sa enlistment days na ito o mga araw kung saan kelangan manalig, manalangin, at magsakripisyo.. ito ang iilang mga: TIPS FOR GETTING THAT SUBJECT: (naks, parang panliligaw tips lang. hahaha)

* Magtayo ng SHRINE. yup, shrine. kung fangirl/fanboy ka.. gets mo na anong shrine. kung religious ka din, gets mo na rin yun. ang shrine ay isang lugar kung saan pwede mong sambahin ang mga diyos at diyosa ng kapalaran (aka CRS TEAM). Kung creative ka, maaring statue ang shrine -- isang internet connected computer na every millisecond kung magreload ng crs2.upd.edu.ph. maaring may mga bulaklak, kandila, pictures (kung kakilala mo sila, pero kung kakilala mo sila, di mo na kailangan manalig.. lalo na kung close kayo), incense (yung tipong pang chinese cemetery.. o buddhist temple) at siyempre pagkain din (baka magutom PC mo. haha)

*Manalangin ka, kada minuto, oras, araw, 24/7 --wag na wag kang titigil.. mararamdaman yun ng mga diyos at diyosa. kala mo lang hindi, pero nafeefeel nila yun, feel na feel nila. (bwahahah). paano ba manalangin? basta't ulit-ulitin mo ito: "O, kapalaran kapalaran, kami'y inyong pagbigyan." Sabay halik sa sahig at hikbing matindi.

*Magcompose ng mga jingles para sa shrine mo. Syempre nakakabaliw kung tinititigan mo lang ang shrine mo. Mas effective ang pagtatawag sa mga diyos at diyosa ng kapalaran kung kumakanta kanta at sumasayaw sayaw ka sa harap ng shrine mo. Mas catchy ang tono, mas masaya. Mas astig ang lyrics, mas effective pa. Kaya ano pang hinihintay mo?! Compose na! (o di ba, parang nagcommercial lang sa TV)

*Magsakripisyo ng kung anuman sa shrine mo. Mainam ang malalaking hayop: giraffe, hippo, trex, kapitbahay, etc. Pwede rin naman ang mga maliliit tulad ng daga, ipis, butiki, spider, kapatid mo at kung anu-ano pa. Gawing madugo, maeksena, umaatikabo at exciting ang pagsakripisyo para naman maTV Patrol ka at matawag talaga ang atensyon ng mga diyos at diyosa sa itaas. (trust me, nasa itaas ang HQ nila.. nakarating na ako e. haha)

*Mang-akit o makipagkaibigan ng diyos/diyosa. Mahirap ito, pero kapag successful ka naman dito, siguradong sigurado na ang slot mo sa subject na yan. Pinakamahirap man ito gawin dahil parang secret agents ang mga diyos at diyosa, mahirap kilalanin at mahirap alamin, sure na sure na talaga ang subjects mo dito. At makakapili ka pa ng napakagandang schedule. Kaya good luck na lang sa yo.

Ayan ang TIPS para makuha mo ang subject na yan. Pero syempre dapat nakapagenlist ka na at sinunod mo din ang ranking ranking na pinapauso nila ngayon. Kamusta naman kung di ka man lang nagenlist, mabait ang mga diyos at diyosa pero di sila milagro. Di posibleng magkasubject kapag wala ka man lang ginawa. Last thought of the day:
KUNG WALANG TIYAGA, WALANG PREROG, WALANG GE, UNDERLOAD KA.

at eto pa:
MANALIG KA, MALAPIT NA! (Oo, mula to sa song na kinanta ni Laarni na kinompose ni Ryan Cayabyab, kaya disclaimer na... DISCLAIMER nga! pero nakakakilabot kasi yung mga katagang iyon.. tipong pagsinabi yun sa iyo ng prof mo, Manalig kayo, malapit na (ang exam) : kilabutan ka na.)

No comments: