Thursday, December 25, 2008

pain.

simula nung dumating ako dito sa gensan. nagkasakit na ako. sakit sa maraming parte ng katawan ko at kung anu-ano pa. hindi ko nga alam kung bakit ako pinaparusahan ng ganito e. mabait naman akong bata.. di ba? hehe.. anyway. eto ang rundown ng mga sakit ko.

SIPON.. o allergic rhinitis o sinusitis - hindi ko talaga alam kung anong meron ako basta ang sure ako, hindi siya nawawala sa kahit anong gamot na inumin ko.. and believe me. marami na akong nainom.

UBO - mas effective ang robitussin kesa sa solmux. hindi dahil mas gusto ko ang rasberry flavor over strawberry flavor kundi dahil mas effective lang talaga. ang robitussin gentle ang approach, and solmux harsh kung harsh, tataktak niya muna baga mo, pipigain ang plema bago ka gagaling.

STIFF NECK - katangahan ko naman to, nakatulog kasi ako sa sofa sa sala kaya yun, next day para akong sinuntok sa magkabilang sides ng leeg ko, ang sakit lumingon sa left at right kakairita talaga

TOOTH ACHE - in fairness, mild lang naman. pero nafefeel ko pa rin e. uminom na nga ako ng mefanamic acid pero nafeefeel ko pa rin. hai.

DYSMENORRHEA - kasi meron ako. period.

EAR ACHE - nung landing na ang eroplano, grabeh parang may tumutusok sa kaloob-looban ng tenga ko, parang ewan. parang nakakamatay. grabeh talga. buwisit na buwisit nga ako nun kasi sa airline na yun lang talaga ako may problema, bobo kasi magpaland at magtakeoff. lecheness.

kaya hayun ang pasko ko.. punong puno ng sakit. hai. as of now, 6 na klase ng gamot na ang nainom ko at ang nawala pa lang ay ang ear ache kasi nawawala naman yun in due time pati na rin ang stiff neck. tooth ache, mejo di ko na feel. hai.. sana mawala na tong ubo ko. yoko talaga ng ubo e. anyways. MERRY CHRISTMAS! HAPPY NEW YEAR!

1 comment:

Kert said...

good luck naman sa 'yo liv! ahaha! yung big toe ko rin masakit pa! pinahilot ng nanay ko - narinig kong nagcrack twice! haai! sana di pa toh kelangang i-amputate!