dahil isa sa mga usong listahan ay ang new year's resolution, sino ba naman ako para lumihis sa tradisyon? kaya heto ang aking natatanging new year's resolution. lima lang para naman medyo realistic.. haha. pagkatapos ko tong ipost, malamang makakalimutan ko din to. hahahhaa.
5. hinding hinding hindi na ako malelate sa klase ko. kahit pa nakakatamad. kahit malamig ang simoy ng hangin. kahit ayoko sa prof. kahit alam ko namang hindi papasok ng maaga ang prof ko. kahit puro excuses ang sinisigaw ng utak ko. kahit lalakarin ko pa ang klase ko. kahit na... kahit pa.. hinding hindi na ako malelate.
4. magsasave na ako. kahit masarap gumastos at kumain. gusto kong magipon at makabili ng something... uhm. ewan. kahit ano. para lang me pinagipunan daw ako. marami naman akong trip bilhin e. kaya magsasave daw ako.
3. magaaral na ako. hindi na ako magcracram. lam ko namang medyo imposible yun. pero no harm in trying di ba.. so magaaral na ako ng maaga para hindi na ako magcram. kasi aim high pinay! ahhaa. adik.
2. matutulog ng maaga kung wala namang dahilan para magpuyat. di na ako magmamarathon ng series kung may exam ako the next day, di na ako magbabasa ng nakakaadik na ebook kung may 8.30am class ako the next day. matutulog na ako. matutulog na talaga ako.. sisimulan ko pagschool night na. hahaha..
1. HINDI NA AKO MAGIGING TAMAD. kunwari, di na ako magdedelay ng dapat gawin. di na ako matutulog ng extra five minutes. babangon na ako kaagad sa umaga. maliligo agad kapag time ko na sa shower stall. kapag walang ginagawang productive, gagawin ko na ang pwedeng gawin na productive.. pero sa school night na ako magsisimula. hahahhaa.
so ayun. sana lang magawa ko talga mga to.. kasi malamang sa malamang... wala rin akong mararating sa mga to. but its never too late to dream.. hehehhee.
Sunday, January 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment