Friday, March 13, 2009

inumin

dahil birthday ni kuya joma, at umuwi ang ate ko... binigyan nila ng surprise party si kuya - complete with unlimited bar na nagbibigay ng free flowing drinks. sayang nga lang at hindi ko yun party kaya hindi ko nadala sina tina at kert... sure akong matutuwa sila dun. anyway. dahil psycho ang ate ko, heto ang ilan sa mga pinatikim niya sa akin.. in hopes na malasing ako.. (hmm, lasing na ba ako?)

1. FLAMING SHOT.. di ko talaga alam ang exact name nung drink basta mukha siyang blue liquid above red liquid at sinisindihan ang blue flame kapag sineserve sa iyo. unlike other shots na iniinom nang straight, etong flaming shot e ginagamitan ng istraw.. kasi nga naman may apoy. matindi tindi ang after effect nito. hindi lang after taste na lasang tempra, may after effect pa na burning sensation sa esophagus. antindi.

2. COOL BREEZE (cocktail) masarap, mapait, lasang cherry at served with real cherry din. enjoy it iced. stir well before drinking. served in a tall glass, kaya mejo marami. pero masarap naman, lasang cherry na may mapait na aftertaste din, parang cough syrup. hehe. mukhang appletini sa simula pero nagiging pinkish pag stinir mo yung red liquid sa bottom ng glass.

3. APPLETINI, martini ata na may apple flavor... honestly di ko feel ang apple dito. may cherry din siya. clear yellow liquid nga pala siya, mukhang sobrang diluted na beer.at ang tindi ng kapaitan nito, grabeh. medyo dineretso ko na lang tong inumin para di ko mafeel yung pait.

4. SCREWDRIVER. blue shot. hmm.. lasang tempra din. minus the sweet aftertaste. mapait din kasi siya. amoy tempra. cool blue color. eto, iniinom ng straight. okay naman, medyo short lang nga, parang kulang siya kapag iniinom. hehe.

5. SCREW ME. na honestly di ko makita at madistinguish ang difference sa screw driver. mas matindi daw sabi nila kuya, pero never ko naman nafeel ang difference. anyway, in all ways, para sa akin pareho lang sa screwdriver.. refer to 4.

6. GREEN cocktail thing.. sinerve ng bartender, di ko nalaman kung anong name. sabi ko kasi kahit ano na lang. kaya yun. di ako natuwa dito kasi lasang hilaw na orange. sobrang walang other flavor. pait lang. weird talaga. pero cute yung color. hehe

7. ICED TEA? chaser ko the whole night. nakasampung baso ata ako ng iced tea or more, maliit din naman kasi yung baso nila ng iced tea.

other drinks na di ko natry kasi di nila ako binigyan.. hehe. joke lang. malamang may iba akong iniinom nung time na yun.

8. KAMIKAZE.. may cocktail version at shot version dun. eto ata yung yellowish stuff na iniinom nila.. never kong natikman kasi laging may iniinom pa akong iba na pinapainom ng ate ko. kaya yun.

9. VODKA SEVEN. in clear transparent version and blue version. sabi nila yung clear version vodka & 7up lang tapos yung blue version may isa pang halo. di ko din natry kasi puro guys sa table lang namin yung binigyan.

10. MELON thing. light green na cute ang kulay. may cherry din. lasang bubblegum daw, matamis at cool. may sugar crystals sa rim nung glass, di ko gets bakit.

anyway.. sobrang wasted na yung ate ko kanina, di niya na nga ako nakilala e. hehe. lasing na kaya ako? naku wag naman sana may exam pa ko mamya. hehe. :D anyway. happy birthday kuya.

1 comment:

Kert said...

grabeng inuman 'to ah.. nainggit ako