naks naman sa title! syempre dahil ito nga ang "the first list", naisipan kong maglista ng mga dahilan kung bakit ginawa ko itong blog na to - kung bakit nakikikalat ako sa cyberspace e marami nang squatters sa tabi-tabi. kaya para me magawa, at dahil bored ako ngayon, heto ang iilang dahilan na naiisip ko ngayon.
10. dahil matagal ko na itong pinapangarap! (naks naman, me dream dream pang nalalaman), pero matagal ko na ring napagisipang gumawa ng blog na puro listahan lang, kasi ang listahan hindi kasing strict ng essay, hindi kasing abstract ng poems, hindi kasing structured ng story pero isa pa ring paraan para maintindihan. (naks, lalim natin ngayon a!)
9. gusto kong gumawa ng list-a-blog (gawa-gawang word ko lang), dahil mahilig akong magbilang! haha. joke lang, pero mahilig talaga akong maglista kasi nagbibigay ito ng illusion na may plano ka. naglilista tayo ng new year's resolution, gagawin sa isang linggo, mga aaralin kasi kahit hindi man ito magkatotoo, at least nagtry tayong magplano.
8. dahil gusto kong gumawa ng bagong USO! Trendsetter kumbaga. (haha, as if possible yun) pero nakakatuwa yun, kung mangyayari man. kaso sasakalin ako ng mga creative writing professors ng mundo kasi tinatanggal ko ang coherence sa blogs. wala ng transitions, walang plot plot, walang kwenta - parang ako. (ui..drama. psycho siguro to)
7. ginawa ko ang isang blog na naman dahil... masarap ang bawal! (hahah! addict, anong bawal bawal!?!?!) hindi naman bawal gumawa ng blog, hindi din bawal magkalat ng kapirasong utak sa internet, hindi bawal magtype.. pero bawal na bawal ang magkalat ng kawalang kwentahan. sumasakit na siguro ang ulo ng kung sinomang gumawa ng internet, hindi niya inaaakalang magkakalat lang tayo ng literary trash... (eto na naman, drama na naman.. hai.)
6. gusto ko ng gagawin, sapagkat boring ang buhay ko. wala akong makukuwento patungkol sa araw-araw kong pamumuhay pero marami naman siguro akong masasabi sa kung anu-anong bagay bagay. (or kaabb for short, wala lang, trip lang magabbreviate.. bakit bawal ba?!?)
5. ginawa ko ito kasi gusto kong itry ang blogspot.. dahil kahit na nakailang blogs na ako na isinilang, binuhay at pinatay... walang blogspot sa kanila. naks naman, kaya gusto kong itry naman itong blogspot -- para maiba.
4. kasi makakapagtanggal ng stress ang "blogging" lalo na ang "listblogging" na pauso ko lamang. masarap magsulat at magunwind sa harap ng keyboard at monitor dahil sa internet, lahat tayo may karapatang magpanggap na masaya.
3. kung umabot ka na sa number three, bilib ako sa yo.. di ka pa napapagod? (pagpasensyahan si parenthesis, borderline schizo kasi ako. haha! konting hampas sa pader na lang.. nakikiepal na naman ang other identity ko) anyway, number three, dahil nais ng other identity ko ng medium kung saan siya makakapaghasik ng lagim - legally. hahaha.
2. dahil nais kong makapagpasaya (e di sana naging pera na lang ako) , nais kong makapagpatawa (e di sana naging limangdaan na lang ako pakalat kalat sa daan), nais kong makapagpaSMILE (e di sana naging class card ako na me malaking bilog sa UNO) at nais kong makapagpaTUWA (e di sana naging bagyo akong makakapagwalang pasok)
1. ang pangunahing dahilan kung bakit ako nagkakalat, nagiisquat, naghahasik ng lagim at nagsusulat ng kung anu-anong bagay bagay ay BOREDOM.. dahil medyo bored ako at wala akong magawang matino sa oras ko. (wag kang mag-aalala, hinahampas ko pa rin ang ulo ko sa pader, nanonood pa rin ako ng TV na parang paghampas lang ng ulo sa pader, naglalakad lakad sa mga daan dahil gusto kong makapulot ng pera, natutulog ng kalahating araw at kung anu-ano pa ay ginagawa ko pa rin dahil bored ako, nadagdagan lang ang routinary activities ko).
hayan, alam na ang mga rason sa aking pagpasok sa mundo ng walang pakialaman, kaya magkakalat ako kung gusto ko! (insert evil laugh here) at sana maibuhay ko ito ng matagal-tagal bago patayin ng tuluyan.
Saturday, September 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
waw. pauso ka liv ah. haha!:) -rain
hihintayin ko ang susunod na listahan. lols.
Post a Comment