hindi ko ipagkakailang bangag ako halos araw-araw, hindi naman kasi ito madedeny ng eyebags at "haggard look". talo pa namin ang mga call center agents sa puyatan dahil halos magbubukang liwayway na kami natutulog. oo, kami -- apat kami sa kwarto at lahat kami nocturnal. ang galing nga ng osh(office on student housing) kasi nagpasama-sama niya kaming apat: tamad, puyat, bangag at baliw. kaya feeling ko, expert na ang kwarto namin sa pagpupuyat dahil araw-araw namin itong prinapractice. Kaya heto ang ilang basic essentials (parang panligo lang!) sa pagpupuyat:
1. KAPE. Do you know that coffee improves short-term memory? Ayan ang pambungad ng radyo nung binuksan namin siya nung isang araw. Akalain mo ba namang kape pala ang nagpapaalala sa mga magulang natin kada umaga na anak tayo nila. Kung avid coffee drinkers ang parents mo, di ako magtataka kung nakailang baso ka na rin sa tanang buhay mo. Ako din ay isang avid coffee drinker, hindi ako bumibili nung tingi-tinging sachet -- isang box ng 3-in-1 ang lagi kong binibili, medyo mas mura kasi. Kung sosyal ka, e di sa starbucks mo bilhin ang kape mo. Pareho lang naman ang epekto nito: maantok ka ng ilang minuto pagkatapos nun, di ka na aantukin ng ilan pang oras.
2. Extra joss + sprite. Eto ay isang recipe na hindi ko pa natitikman. Hindi ko pa natry gumamit ng extra joss dahil takot ako sa makakaya kong gawin. Baka makapatay ako sa sobrang kabangagan. Kung sa normal state of mind, hirap na akong irepress ang mga violent tendencies ko... panu na kung nakaextra joss? (malamang iniisip niyo na masamang tao ako, hindi naman ata.. medyo lang. bwaahhaha) Pero sobrang effective daw nito. Mas effective pa kesa sa kape. Ilang araw kang walking undead tapos papatayin ka sa pagod.
3. Ang Mcdo at Jollibee (ilang branches lang), Ministop at 7-11 (kahit saan) ay bukas 24 hours. (Nagsasara lang ang Philcoa Jollibee ng ilang oras kapag Sunday, ewan ko rin bakit.) Ibig sabihin, may mga bukas na lugar para magpa-aircon habang nagpupuyat. Mas masarap magpuyat kapag may amoy ng pagkain, kasi nakakagutom therefore.. masarap magising. Pero may downfall din dahil malamig at may music pang nakakaantok minsan. Sabi sa studies, ang mga upuan daw ng fastfood ay hindi dapat comfortable. Kasi dapat eat-and-go ang ginagawa sa fastfood, kaya isa pa itong reason kung bakit masarap mag-aral dun -- hinding hindi ka makakatulog. (sisistahin ka rin naman ng guard e kung nakadikit na ang ulo mo sa lamesa ng ilang minuto).
Hindi ko alam ang dahilan mo sa pagpupuyat, pero isa itong bagay na kailangan maranasan ng lahat ng tao sa kahit isang gabi lang ng kanilang buhay. Masarap magpuyat lalo na kung kawalang kwentahan (dvd marathon, chikahan, games) ang dahilan, dahil mo kelangan gisingin ang sarili mo kada minuto. Mahirap magpuyat kapag ayaw mo ang ginagawa mo, kaya kung di mo na kaya.. matulog ka muna. Masarap din kasi matulog.
Tuesday, October 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment