WARNING: (^Basahin ng malakas ang disclaimer sa taas^) Wag na wag isapuso ang mga nakasulat dito. Hindi pa tried and tested ang mga nakasulat sa baba, pero malay mo gumana... who knows?
TST #1: Organize your schedule. Syempre unang una sa lahat ang alamin ang araw, oras, lugar at topic ng exam, kamusta naman kung hindi mo alam.. parang nagHello ka na rin sa removals, 5.0 o retake. Mas masaya kung malaman mo ang details ng exam at least a day before the exam kasi mejo useless kung nalaman mo siya an hour before, during the exam o kahit after the exam.
Remember: Piso lang magtext sa kaklase, libo magretake ng subject.
TST #2: Research. Ibig sabihin, magpaphotocopy ka na ng notes ng kaklase mo ... unless ikaw yung hinihiraman. Completuhin ang sandamakmakang review papers, past exams para may pangreview ka daw, mas astig kung may answer key pa! Alam ko, malabong masagutan mo lahat pero malay mo may lumabas ulit na number. Kaya kahit nakakatamad man, basahin mo rin ang mga reviewers na yun.
Remember: Php .60 lang magpaxerox per page, mas nakakatamad magnotes.
TST #3: Ewan ko sa iyo, pero para sa akin, masaya hindi matulog bago magexam. Mas nareretain ko ang naaaral ko gamit ang ilang libong tasa ng kape. Kasi "Coffee improves short term memory" (Refer to Pagpupuyat 101), kaya kung inom ng inom eh di short + short + short = long term memory! hahaha, joke lang, pero hindi talaga ako usually natutulog bago magexam kasi feeling ko nagrereformat ang utak ko ng mga di nito trip na acads habang natutulog. Mas effective nga pala ang EXTRA JOSS sabi ng iba.
Remember: Coffeemate 80g makes 16 cups! (bili na sa suking tindahan!)
TST #4: Kung nakatulog ka man habang nagrereview, make sure mo lang na makakarating ka sa exam bago ito matapos. Kahit di ka pa nakaligo, nakapagtoothbrush, nakakain, nakapagreview... so what.. nakapagexam ka naman. at least hindi isang malaking bilog ang nasa grade mo nun. unless syempre, creative ka at may kakilalang doctor na gumagawa ng med certificate.. ibang usapan na yun.
Remember: A med certificate today, makes you absent yesterday.. (Ha?!)
TST #5: Group study. Hindi ako big fan ng group study kasi malamang sa hindi, di naman kayo nagaaral ng subject.. inaaral niyo siguro ang mga bagong chismis sa barkada, inaaral niyo ang isa't isa, inaaral niyo ang mga pangyayari sa tela novela at kung anu ano pa. Pero syempre, depende rin yun sa kasama mo.
Remember: Bird with the same feathers.. are the same birds. (Corny, lam ko)
Kaya sa may mga finals, GOOD LUCK! GOD BLESS! At bwahahaha, sana excempted na lang kayo. joke lang, ang mean ko naman. anyway,
Remember: There's a rainbow always after the raaiiinnnnnn.... :D
Sunday, October 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment