Monday, October 20, 2008

Sembreak Nights: THINGS TO DO

Mga pwedeng gawin habang nagpupuyat para sa wala lang ngayong sembreak. dahil syempre... puyat naman tayo lagi e.

1. MAGMARATHON NG DVDS. andaming pwede jan sa tabi tabi. nanjan ang 4 na seasons ng house at lost. 2 seasons ng heroes. 1 season ng chuck. anjan pa ang grey's anatomy, desperate housewives, ugly betty... at etc etc. kung mejo asian naman ang tripping mo: nariyan ang team medical dragon (na sobrang astig), iswak 2, etc etc (di na ako ganun kaupdated, xenxa na)

2. MAGTONGITS.. simula nung nasira ang monitor ko dahil sa overabusive use namin.. nagtotongits kami gabi2 for the past 4 nights. grabeh. sa sobrang adik namin, master na yung beginner namin, kamakailan lang namin tinuruan at ngayon tinatalo ng kami ng todo todo. grabeh talaga.

3. at syempre, MAKINIG NG MUSIC.. habang nagtotongits. para mas masaya. at dahil me kakarampot na kajologan sa mga buhay buhay namin, nakikinig pa kami sa radyo. complete with DJs and all.. yung tipong me mga callers na mapapatawa ka sa kung anu anong pinagtatatawag at mga DJs na maastigan ka sa patience at mga sagot. pero mejo jologs nga. hehe. so what, masaya naman e.

4. MAGBASA .. ng libro na syempre hindi boring, magbasa ng manga. tulad ko. ilang araw ko nang minamarathon tong mangang binabasa ko. sobrang pinagtyatyagaan ko pa ang online reading dahil mejo mabagal ang downloading powers na hiram na wifi namin dito. hehehe. kawawa naman kami. pero ok din naman pala, kasi mejo maabsorb mo yung page talaga habang hinihintay mo ang next page na uber bagal magload. hehe.

5. MANOOD NG TV.. kung cable kayo. pero dahil local channels lang kami.. hanggang 3am lang ang TV Stations. inaabot namin lahat. games uplate, hanggang music videos, me UFC sa MAXXX o Balls.. di ko maaalala at minsan me kakarampot na MYX segment pa!hai. kakabaliw. mahal kasi ng cable. :( kung sana me one time big time deal na DSL + Cable for the price of one.. hai naku.

6. MAGMEMORIZE ng lyrics.. na ginagawa ko din habang nakikinig ng music. kasi syempre.. baka kalawangin tong kakarampot na utak ko.. kawawa naman ako. hai. at syempre kung chicken na chicken ang pagmemorya ng lyrics dahil music buff ka naman, e di try mo sa ibang language tulad ng balinese, chinese, japanese tapos pag sobrang galing mo na.. try mo naman sa chavacano.. o sa hiligaynon.. malay mo me marating ka.. (hahaha)

7. MAGBLOG.. pero kasi sa blogging, di mo naman pwedeng gawin yun ng ilang oras ng gabi, syempre maximum na siguro ang 3 oras para gumawa ng isang entry, unless siyempre writer ka talaga at tinta ng ballpen ang dumadaloy sa mga ugat mo.. eh di go.. magsulat ka ng magsulat. :D di ko kasi kaya yun e. sobrang short ng attention span ko, kaya kailangan matapos ko ito agad kundi di na naman to makakarating sa fans ko. (awww.. so sad... haha. joke lang, feeling me fans, nasasapian na ako ng binabasa kong manga. anyway)

at dahil seven ang numero na swerte bukas, siyete muna ang huling numero ng listahang ito. pero di ko naman sinasabing die hard GMA7 fan ako, ganun lang talaga ang life.. minsan minsan natatapos sa 7 ang mundo. kaya hanggang dito na lang muna. HAPPY SEMBREAK sa mga COLLEGE SLAVES.. tulad ko.. STUDENTS pala. Naway buhay pa tayo next sem. SIGE SIGE! INGATS!

No comments: