dahil enrolled na ako. ehem ehem. ENROLLED NA AKO. heto ang ilang nakakaaliw na mga pangyayaring nawitness ko habang nagenrol:
1. PILA TO DA MAX! wala na atang tatalo sa unibersidad ng pilahan. kahit umikot-ikot na at pumulupulupot na ang pila sa palibot ng building, go pa din! kahit bumabagyo, umuulan, humangin man, di aalis sa pwesto. kahit sobrang init na talaga ng araw at walang dalang mga payong, magtitiis.. ilang oras.. ilang araw. o pila, kailan ka ba iikli?
2. Pila Moment: Religious si kuya! Nung nagpipila ako for tuition kanina, napansin kong nagrorosary yung lalake sa may harapan ng pila namin. Aba naman! kailangan na ng divine intervention sa pilahan ngayon... di na kaya ng human powers sa sobrang haba.
3. Pila Moment (ulet): Senior Citizen Services. Mahaba-haba na yung pila para sa dorm at miscellaneous nung sumingit si lola (mga 70 yrs na siguro). iniabot ang babayaran at isang libo. nung una, kulang ng 100.. tapos peke daw yung 1000.. kawawa naman si lola. second floor pa naman yun -- effort din umakyat ha!
4. Prerog Moment: sa isang dakilang GE (clue: Precious MSt), grabeh ang pila. pero mas matindi pa dun ang multitasking na ginagawa ng mga manong guard. kasama na sa trabaho nila ang: pagtanggap ng form5a para makapagprerog, kumuha ng mga pangalan ng nauna sa pila, magcontrol ng pila para sa prerog at sagutin ang lahat ng tanong tungkol sa enrolment kahit hindi naman sila registration assistants. O di ba, dapat pala me RA benefits na din sina kuya!
At yun na lang muna para sa ngayon. me binabasa pa kasi ako e. sige sige! Salamat sa pagsubaybay! Hanggang sa muli! Paalam!
(insert kiddie show ending song here)
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
oo nga! kahit advising na lang! pila pa rin!
Post a Comment