Monday, November 10, 2008

Semester Resolutions

Kung may new year's resolutions, syempre pwede ring magkaroon ng new sem resolutions. :D Dahil nagsisimula na ang isang bagong sem, isang bagong kalbaryo, isang bagong ... impyerno.. (grabeh, ang negative a).. at isang bagong opportunity para magpataas ng grades, heto ang aking (na pwede niyo ring kopyahing) semester resolutions:

1. HINDING HINDING HINDI NA AKO MALALATE ULET... except yung kanina, at yung last friday at yung bukas siguro. hahaha. 2 araw pa lang ang classes, late na ako sa 3 sa aking mga klase. ganun ako katamad. di kasi ako naniniwala sa going to school early, mas gusto ko yung on time. malas lang nga nila, mukhang delayed yung time zone ko. hahaha.

2. MAKIKINIG NA AKO SA LECTURES, kahit pa man iupload ni sir ang powerpoints, kahit na may pdf naman na copy sa groups, kahit pa man may notes naman ang sitmate ko. makikinig na ako, kahit nakakatamad at alam kong mahirap na mahirap.

3. MAGNONOTES NA DIN AKO. kahit pangit ang handwriting ko at tamad talaga ako magsulat. kahit na mahirap intindihin ang handwriting ng profs ko. kahit pa kulit kulitin ako ng katabi ko. magnonotes ako. period.

4. DI KO NA SUSULITIN ANG 6 ABSENCES PER SEM. kahit na minsan tinatamad talaga akong pumasok, tulad ngayon.. umuulan kasi. kahit na bagyuhin man ako. kahit na wala pa akong tulog. papasok ako, kahit na 5 minutes na lang.. dismissal na.

5. MAGAARAL NA AKO AT LEAST 3 days bago ang exam at hindi 3 hours o 3 minutes. kasi masarap man maging bangag, hindi siya nakakatulong sa pagsisiksik ng mga exams, MEs, MPs at marathon ng dvd sa iilang gabi.

6. last but not the least... MAGTITIPID na ako. di na ako magfafastfood every day.. baka 2x a week na lang, kasi magastos.. di na din ako maggrogrocery kung hindi kailangan at hinding hindi na ako magmamall na walang purpose.. kahit afford pa.

ayan ang 6 na resolutions ko. sana lang matupad ko ang mga to! :D go go go! AJA!

1 comment:

Kert said...

talaga lang hah! gudlak naman sa pagsunod sa mga resolutions na to! haha!