mag-isa ako ngayon, hindi naman dramatic ang dahilan (no breakups, kasi wala naman akong boyfriend.. never had, no friend fights, kasi friends pa rin naman kami ng mga friends ko). trip ko lang. ganun kasimple. sira din kasi ang charger ko kaya patay ang cellphone ko ng maglilimang araw na. wala rin akong net connection dito kasi dala ni kuya laptop niya. may tv naman at pc.. pero sa social interactions.. wala akong nakakausap ng matino, syempre excluded na yung tindera sa sari2 store sa street namin o yung contractor nila kuya na kumukuha ng gamit dito.. naguusap lang kami dahil may kailangan. which brings me to realizations.. naks naman.. parang 40 days and nights lang to, divided by 10 para mas tipid.. mga narealize at nalaman ko sa pagiisa ko..
1. imagination. dahil mag-isa ako. mas nakakapagimagine ako, hindi naman imaginary friends pero mas nakakapagimagine ako ng mga tagpo, mga guni-guni tungkol sa future, storylines, plots, characters, songs, lyrics at kung anu-ano pa ay nagpagiisipan ko. masarap magdaydream tungkol sa future kasi the limit DNE (does not exist).. hehe.
2. creativity. dahil sa desperado ako minsan na makapagcharge, trinatry kong iwire ang AA battery charger sa battery ng cellphone ko.. pero sadyang bigo pa rin. nakailang wires, masking tape at hypothesis na ako..di pa rin gumagana pero pacreative at pacreative ang mga methods ko. hahahha. ang kaibahan ng imagination sa creativity nga pala para sa akin, ang imagination nasa utak habang ang creativity ay inaapply sa isang concrete na bagay. ganun ata. ewan.
3. 1 meal a day. dahil magisa ako dito at 250 lang ang laman ng wallet ko nung simula, once a day lang ako kung kumain ng matino. oatmeal at pancit canton ang karamay ko sa pagiisa dahil nakakatamad bumili ng pagkain. iced tea at kape naman sa inumin dahil naubos ko na ang laman ng ref namin. mabubuhay ka nga talaga sa isang meal lang sa isang araw. basta't walang strenous activities at tlog ka sa 60% ng araw na yun.
4. TV stands for Total entertainment Viewing (<-- gawa-gawa ko lang). sobrang mabubuhay ka nga talaga ng ilang araw na TV lang ang kasama mo. mula sa unang hirit/magandang umaga bayan hanggang sa lupang hinirang. siguro kasi ginawa ito para dun. kung sino man ang imbentor ng TV... salamat. :D
5. DVDs. Salamat din sa DVD collection ni kuya na puro mga panlalaking palabas (action movies, police/crime series, horror at suspense) kaya sobrang inulit ulit ko ang nagiisang comedy series na nakita ko sa collection niya (bakit naman kasi 20 eps lang ang How I Met Your Mother ni kuya.) pero at least may napapanood ako pagkatapos ng bayang magiliw sa TV.
6. Domex. Ang isa pang ginawa ko dito habang ako ay mag-isa ay maglinis dahil sobrang kalat ng apartment namin. Ang saya gumamit ng Domex dahil feeling mo sobrang nalilinis nito ang mga tiles... pero bakit parang di ko naman nakikita? hmmm. baka sa ilaw lang. hehe. ang hirap pala maging OC kasi kapag naglinis ka.. oras at araw ang aabutin mo bago ka masatisfy. hai.
7. Manga. Hindi yan wrong spelling at hindi yung prutas. Ang manga ay japanese comics.. kung ano ang pinagkaiba nito sa comics ng mundo ay hindi ko sigurado pero nakakatuwa yung mangang binabasa ko ngayon. (Yamato Nadeshiko Shichi Henge, alam ko corny ang kwento pero natuwa talaga ako, hindi naman super ganda pero nakakatuwa siya) Masaya magbasa ng manga kasi sobrang dali nitong intindihin at sobrang galing nung mga mangaka (artists) nila sa drawing at framing. Kakabilib.
at ayun ang pitong bagay na narealize at kasama ko dito habang ako'y magisa sa apartment ng apat na araw, maglilima na bukas. o nga pala, narealize kong kayang kaya ko pala talaga mag-isa.. kaya siguro after college titira ako magisa.. hehe. kahit sa kwarto lang kung maggastos magisa sa isang buong apartment. masaya kasi siya. try niyo. :D
Saturday, October 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Bored ka ata lagi.. ahaha.. Bangag!
Post a Comment