Wednesday, July 29, 2009

20...

ayon sa wolfram alpha.. 20 years at 20 days daw ako mula july 9, 1989 - july 29, 1989.. at kung sana naisip ko yun kahapon. eh di sana nagawa ko ito ng 20 years, 20 days, 20 hours, 20 minutes at 20 seconds pa nga..of existence. para cool.

anyway. aside from 20 years at 21 days na ako ngayon, technically,

7321 days na akong buhay - di man umabot ng 10k... tao talaga, laging humahangad sa upper bound.. hahahhaa

175 704 hours - at ilan sa mga oras na yun walang kwenta

2.006 decades - wala lang parang 2006.. hehe, sana wag naman 2.006 gwa ko.

20.04328 years old ako talaga.

so pwede kong sabihin ang age ko upto 5 decimal points.. hahaha.. wala lang.. anyway. exam pa bukas.. aral muna.



Monday, July 27, 2009

another bangag moment

dahil di na naman ako natulog dahil nagcram ako ng probset... heto na naman ako at bangag na bangag. ayoko sanang sayangin ang moment na ito kung kelan sobrang daling magsulat, magpaflow ng thoughts, magtranscribe ng sinisigaw ng utak ko, pasayawin ang mga daliri ko kung saan man nila gustong pumunta... kasi ganun lang talaga ako, so eto ang mga DAKILANG BANGAG moments ko na medyo once in a lifetime ang dating:

* ang highest score ko sa word challenge sa facebook ay nangyari nung sobrang bangag at inaantok ako at sinisigawan na ako ng ibang tao sa kwarto ng mga salitang nakikita nila sa screen ko. parang naging typist lang ako, pero antaas ng score ko nun, di ko na nga maabutan e.

* ang fastest MP na nagawa ko ay ginawa ko magdamagan from GUI to back end to docu, at individual pa ako nun. minsan kasi kapag feeling gago ka talaga, magpapakalala ka na lang para mas nakakahigh.

* ang highest exam ko sa math dati ay bunga ng hindi pagtulog buong gabi. parang nareretain sa utak ko ang inaral ko ilang oras lang bago ang exam. parang familiar pa sa kamay ko ang equations na sinosolve ko sa kwarto kaya't mabili na niya itong naisusulat sa exam ko. napaisip tuloy ako, kung bangag kaya ako... possessed din ako?

* masarap mawalan ng control sa sarili minsan. yung kinakalaban mo ang antok mo, kasi wala kang thrill sa buhay. ganun na siguro ako kabangag ngayon. bakit ka magdrudrugs, kung pwede ka naman magextrajoss araw-araw at ipagpaliban ang pagtulog. malamang pagkahiga mo sa kama, instant satisfaction na.

* mas masarap ang pagpupuyat kesa sa diet, sa fasting, sa pagpapakabait.. kasi madaling matuwa pagkatapos. makatulog ka lang, langit na. nasa kama ka lang, tulog ka na. baka insomnia ko lang tong nagsasalita. baka kelangan ko na ng sleeping pills. baka psycho lang ako. baka kelangan ko lang matulog.

goodnight.

Thursday, July 9, 2009

kapag bente ka na.

kapag bente ka na....

...feeling mo mas matanda ka na, kahit na isang taon lang ang nadagdag sa edad mo
...malapit ka nang grumaduate, wala ka ng excuse para humingi ng allowance
...mejo unrealistic na magbasa ng pangteens na mga libro/manga/comics
...pag sinabi mo ang edad mo, laging reaction nila ay: "ang tanda mo na."
...tapos na ang 1/4 ng buhay mo.. yan ay kung aabot ka ng 80 (matagal na yun)
...at marami pang iba.. wala na akong maisip. hahai. hirap ng tumatanda, sana bumalik ang oras. tinatamad pa akong grumaduate.