Monday, July 27, 2009

another bangag moment

dahil di na naman ako natulog dahil nagcram ako ng probset... heto na naman ako at bangag na bangag. ayoko sanang sayangin ang moment na ito kung kelan sobrang daling magsulat, magpaflow ng thoughts, magtranscribe ng sinisigaw ng utak ko, pasayawin ang mga daliri ko kung saan man nila gustong pumunta... kasi ganun lang talaga ako, so eto ang mga DAKILANG BANGAG moments ko na medyo once in a lifetime ang dating:

* ang highest score ko sa word challenge sa facebook ay nangyari nung sobrang bangag at inaantok ako at sinisigawan na ako ng ibang tao sa kwarto ng mga salitang nakikita nila sa screen ko. parang naging typist lang ako, pero antaas ng score ko nun, di ko na nga maabutan e.

* ang fastest MP na nagawa ko ay ginawa ko magdamagan from GUI to back end to docu, at individual pa ako nun. minsan kasi kapag feeling gago ka talaga, magpapakalala ka na lang para mas nakakahigh.

* ang highest exam ko sa math dati ay bunga ng hindi pagtulog buong gabi. parang nareretain sa utak ko ang inaral ko ilang oras lang bago ang exam. parang familiar pa sa kamay ko ang equations na sinosolve ko sa kwarto kaya't mabili na niya itong naisusulat sa exam ko. napaisip tuloy ako, kung bangag kaya ako... possessed din ako?

* masarap mawalan ng control sa sarili minsan. yung kinakalaban mo ang antok mo, kasi wala kang thrill sa buhay. ganun na siguro ako kabangag ngayon. bakit ka magdrudrugs, kung pwede ka naman magextrajoss araw-araw at ipagpaliban ang pagtulog. malamang pagkahiga mo sa kama, instant satisfaction na.

* mas masarap ang pagpupuyat kesa sa diet, sa fasting, sa pagpapakabait.. kasi madaling matuwa pagkatapos. makatulog ka lang, langit na. nasa kama ka lang, tulog ka na. baka insomnia ko lang tong nagsasalita. baka kelangan ko na ng sleeping pills. baka psycho lang ako. baka kelangan ko lang matulog.

goodnight.

1 comment:

Kert said...

Gusto mo sleeping pills? Marami ako.